Shopping security
May lalaki. May babae. Pero hindi ’to k’wento ng pag-ibig. Ng romantikong pag-ibig. Para sa sumulat, ito ay k’wento ng pamamaalam, ng pagyakap at pagtanggap sa buong konsepto nitong binalot ng realidad ng seksuwalidad, mga di naipadalang liham, at mga panaginip na nakaangkla sa mga gunita ng nakalipas.
Pero baka sa ’yo, bilang mambabasa, iba ang kahulugan ng nobelang ’to.
Balikan ang naglahong alindog ng Imus sa saliw ng himig ni Ely Buendia at ng Eraserheads, ng mga awit ng The Beatles at ni Morrissey, ng pighati at paglalambing nina Coltrane, Ellington, at Davis, ng walang kapares na tinig ni Rico J. Puno at panulat ni Rey Valera, ng kapayakan at aesthetisismo ng dekada ’90, at ng latay na pakikipagtipan ng 1956 Sori Yanagi Butterfly stool sa blankong C120 cassette tape para masagot ang ’sang tanong na kumakalmot sa eskinita ng lumbay: ano nga ba talaga ang kulay ng pamamaalam?
Ang Lila ang Kulay ng Pamamaalam ang tumatayong sentripugang p’wersang nagpapakilos sa anim pang nobelang bumubuo sa Imus Novels: ang Imus '97 (Novel 1), Ang Kahubarang Naghihimlay sa Atin (Novel 2), Ang Ating mga Sarili Matapos Kong Talikuran ang Saxófono Ko Ngayon (Novel 4), Muling Nanghaharana ang Dapithapon (Novel 5), Topograpiya ng Lumbay (Novel 6), at Anatomiya ng Desperasyon (Novel 7).
Ang lahat ng mga pabalat ay disenyo ng pintor at tatuador na si Wiji Lacsamana.
Author: RM Topacio-Aplaon
ISBN/ISSN: 978621090006-4
Category: Literature; Filipino
Copyright: 2023; 2015
Pages: 392pp
Size: 6x9
Type: PB/SP
Ships within 48 hours · Estimated delivery Sep 3 - Sep 8
US$40
Get nowSign up to your membership to get coupons up to
15%
Get nowOpportunity to enjoy order discount up to 15% off
Top-Converting Item to Boost Your Average Order