Shopping security
Ipinapakita ng koleksiyong ito ng maikling prosa ang katangi-tangi at kahanga-hangang pagkagamay ni Rommel Rodriguez sa anyong ito bilang nagniningning na sining ng imbitasyon sa pagkamangha, umaapoy na sandata ng pagkamulat at nakakalulang tulay sa pag-arok ng walang katapusang lalim ng kasaysayan.
-Ramon Guillermo
Sinesementuhan ni Rommel Rodriguez sa koleksiyong ito, gamit ang sariling bersiyon ng pagdadagli, ang isang tila nalilimot na prinsipyo na pundamental sa pagkukuwento : Ang pagiging kuwentista ay pagiging saksi sa isang kuwento. Hindi lamang nagsasaulo ang isang manunulat ng mga partikular na pangyayari at pag-iral na nakakuha ng kanyang pansin, para lamang isaulo ang mga ito at pagkatapos ay ikuwento sa mambabasa ng walang labis at walang kulang.
-Ferdinand Pisigan Jarin
Gaya ng mga nauna nang malikhaing interbensyon ni Rodriguez, muli na naman niyang pinatutunayan sa koleksiyong ito ng mga dagli ang kanyang siste, lalim at tindig bilang manunulat at kultural na manggagawa. Ibinabalik niya sa antas ng politikal ang pagsusulat ng dagli na hindi maikakaila ang paglabnaw ng bisa batay na rin sa ilang kontemporaneong manunulat na lulong lamang sa opio ng anyo at porma. Sa isang lipunang may maikling gagap sa mga gunita ng kanyang bayan, napapanahon ang koleksiyong ito ni Rodriguez upang tayo’y maidarang at maipasok sa salimbayan at talaban ng ating mga pag-iral, kasaysayan, at mga ligalig ng ating panahon—ngayon at sa walang hanggan.
-Choy Pangilinan
Ships within 48 hours · Estimated delivery Aug 27 - Sep 1
US$40
Get nowSign up to your membership to get coupons up to
15%
Get nowOpportunity to enjoy order discount up to 15% off
Top-Converting Item to Boost Your Average Order